Jessy sa break-up nila ni JM: Traumatic! Pero ‘wag na natin siyang pag-usapan!

JESSY MENDIOLA AT JC DE VERA

JESSY MENDIOLA AT JC DE VERA

“WALA po kaming relasyon ni JC (de Vera)! Hindi po kami!” Ito ang diretsong pahayag ni Jessy

Mendiola tungkol sa tunay na estado nila ng Kapuso hunk singer-actor.

Sa finale presscon ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na You’re My Home nu’ng isang gabi, sinabi ni Jessy na, “Wala po sa isip ko ang love life. Self muna at work.”

Sey ng dalaga, masayang-masaya raw ang feeling niya ngayon dahil sa magagandang nangyayari sa kanyang career, pati na rin sa kanyang personal na buhay. Unti-unti na rin siya nakaka-recover sa controversial break-up nila ni JM de Guzman na balitang ibinalik daw sa rehab ng kanyang pamilya.

“Parang ang dami kong na-discover sa sarili ko ngayon. Parang napamahal ako sa scuba diving o kaya ang hilig ko pala sa dagat o kaya ko palang mag-kayak mag-isa or snorkeling.

“Siyempre, if you come from that point in your life, na sobrang low mo, biglang darating yung maa-appreciate mo yung unti-unti kang makakabangon mag-isa, kasi nahahanap mo ulit ang sarili mo. I could say now that I know myself better,” pahayag ni Jessy nang makachika ng entertainment medi sa presscon ng You’re My Home.

Ayon kay Jessy, napakahirap ng pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan, “It’s traumatic. You know, you move on one step at a time. For me, I’m slowly getting there. It’s helping na may ganito, may work ka o may napapasaya ka, may mga kaibigan ka and your family.

“Of course, you have to believe in yourself to love again. You know, if you don’t believe in it again, hindi mo na rin maiisip na, ‘Talaga? Magmamahal pa ba ako?’ May mga moment akong ganyan, e,” sey pa ng dalaga.

Pero ayon kay Jessy, hindi niya isinasara ang kanyang puso sa bagong pag-ibig, “I am ready to fight for love. But, you know, as they all say, ‘The flower doesn’t go for the bee. It waits for the bee.’

“You know what’s funny, kapag alam mong naghihintay ka for the right guy, mas marami kang napapansin sa sarili mo na you want to improve for that right guy. Kumbaga, tama lang kayo sa isa’t isa.

Buo ka na kapag nandiyan na siya, tapos siya rin buo na. I really think there’s someone meant for someone in this world.

Nang matanong naman kung agree ba siya sa sinabi ni JC na “love” ang sagot sa halos lahat ng problema ng isang tao, aniya, “As long as yung love na ‘yon is good for you. I mean, kung yung love na ‘yon ay hindi na nakabubuti sa ‘yo, tipong nagkakaroon ng distraction or paghihirap sa sarili mo at sa taong karelasyon mo, I think it’s better to let go.

“Pero I agree it’s almost the answer to everything, even for yourself. Always remember to love yourself.

Kasi minsan, kapag sumusobra ang pagmamahal mo sa isang tao…” bitin pang paliwanag ng dalaga.

Ayaw na ring pag-usapan pa ni Jessy si JM, “Huwag na lang natin pag-usapan kasi nananahimik na siya.

Huwag na lang natin ipilit, kasi baka sasabihin na naman na user ako, maba-bash na naman ako.

“Pero kasi, he’s been part of my life and my heart. He’s very dear to me. So I hope huwag na lang natin i-touch yung area na ‘yon,” dugtong pa

Read more...