Crush ko, crush ni best friend

MANANG, ako po si Aphrodite, 19 years old. Ask ko lang po kung ano ang gagawin ko sa best friend ko.

Three years ko na ko siyang friend kaya parati ko pong sinasabi sa kanya ang lahat ng kilig moments naming ng crush ko. Simula pa po ito noong 17 years old pa lang kami at mga 4th year high school pa lang.

Hanggang sa nanligaw na po sa akin ang crush kong ‘yun. Pero may isang kaibigan ako na nagsabi na crush din daw ng bestfriend ko ang crush ko simula nung 4th year high school kami. Hindi po ako naniwala kasi imposibleng traydorin ako ng bestfirend ko, hanggang sa narinig ko mismo yung sinabi niya sa CR ng school namin ngayon na baka daw po love na niya ‘yung crush/ suitor ko. Takot lang daw siyang sabihin sa akin ang totoo baka daw po kasi magalit ako.

Hindi naman po ako galit kasi same kami ng crush, kundi galit ako kasi simula pa pala noong 17 kami ay plastikan lang ang nangyayari. Takot naman po akong komprontahin siya kasi baka magalit siya at mawala ‘yung relationship namin na pinahalagahan ko.

Aphrodite

Hello Aphrodite!

Salamat sa mensaheng idinulog mo dito sa Manang and tropa. Natutuwa naman ako dahil at least kahit alam mong parehas kayo ng crush ng best friend mo ay ayaw mong maging hadlang ito sa inyong pagkakaibigan.

Okay ang attitude na ‘yan for me. Maging malinaw lang din muna tayo sa terms, ‘di ba ang “crush” naman ay paghanga? Is she acting on this? Hindi naman ‘di ba? So I think it’s better to keep it this way unless siya na mismo ang umamin.

Siguro pwede mong tanungin si best friend kung anong opinyon n’ya sa bago mong manliligaw. Politely hint and ask kung okay lang ba para sa kanya na nililigawan ka nito without confronting her kung crush din n’ya ito.

Sometimes, a crush is just a crush. I’m sure kung mahalaga ka rin at pagkakaibigan ninyong dalawa ay hindi niya gagawing issue ito para sa inyo. Just be sensitive to her feelings and let her know you value your friendship.

Payo ng tropa:

Isang bagay ang pagpahalagahan ang pakikipagkaibigan. Hindi naman masama magsabi ng saloobin mo sa best friend mo. Yun nga lang gawin ito ng hindi mo siya parang hinuhusgahan o kinokompronta.

Besides, crush lang naman. Hindi naman pakakasalan pa, di ba? Pangit din naman na sa isang crush lang na lalaki ay masisira ang pinagsamahan ninyo.

Yasmien via Facebook
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanu-ngin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang@gmail.com. jenniferbilog@yahoo.com.ph or mag text sa 09999858606

Read more...