Gelli nagpaalam sa TV5 bago nag-guest sa Ang Probinsyano

GELLI DE BELEN AT COCO MARTIN

GELLI DE BELEN AT COCO MARTIN

NASA Happy Truck Happinas ng TV5 tuwing Linggo pa rin si Gelli de Belen pero na napapanood na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Isa si Gelli sa special guest ng aksyon-serye ni Coco Martin kaya marami ang nagtaka kung paano nakakatawid ang aktres sa dalawang network.

Kuwento sa amin ng taga-TV5, wala raw conflict sa kanila dahil nagpaalam naman si Gelli na may guesting siya sa Ang Probinsyano. Hindi naman daw magkatapat ang dalawang shows at magkaiba rin ng genre.

Hindi lang kami aware kung pumirma na si Gelli ng kontrata sa ABS-CBN at kung ano ang arrangement niya sa naiwan niyang programa sa TV5.

Malaki rin naman kasi ang utang na loob ni Gagay sa Kapatid network dahil ito ang sumalo sa kanya noong nawala siya sa GMA 7 at ilang taon din siyang nanatili bilang Kapatid talent.

Anyway, gagampanan ni Gelli sa Ang Probinsyano ang isang inang problemado dahil kailangan niya ng kidney donor para sa anak na maysakit.

At dahil hopeless na si Gelli ay kung kani-kanino na siya humingi ng tulong hanggang sa makausap niya si Eric Quizon, ang doktor na nag-oopera at kumukuha ng internal organs ng mga batang dinudukot at ibinebenta sa malaking halaga.

Timing naman na ito ang kasong hawak ngayon ni Cardo (Coco) kaya minamanmanan na niya si Gelli kung sino ang kausap niya tungkol sa kidney donor.

In fairness, aabangan mo talaga ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil iba-iba ang kuwento kaya hindi nakakasawang panoorin at palaging may malalaking artistang nagge-guest.

Read more...