Male celebrity na dyowa ng politiko nabiktima ng ‘sex video for ransom’

BLIND ITEM MALE 0316

“UBUSAN ng pera!” Ito ang sabi ng isang entertainment editor na may alam tungkol sa nakatakdang lumabas na sex video kung saan bida raw ang isa na namang kilalang aktor.

Ayon sa aming kausap, “Pinahagingan na si _____ (pangalan ng aktor) ng isang grupo na kung hindi siya magbibigay ng malaking halaga, ilalabas ‘yung sex video niya na matindi talaga kasi siya ‘yung tumatrabaho sa lalaki.”

Balik tanong namin sa editor na may nakita na kaming litratong lumabas tungkol dito pero malabo ang kuha, “Wala ‘yun, litrato lang, puwede niyang itanggi kasi sasabihin dinaya o photoshop lang. Mas matindi ang video kasi siyang-siya ‘yun.

“E, magbibigay naman daw siya ng pera, kaso may nagpayo na baka hindi siya tantanan nu’ng sindikato na yun sa internet kaya payo sa kanya lumapit na siya sa kinauukulan para matigil na ang pananakot sa kanya,” sabi ng aming source.

Ang nabanggit na aktor ay may iba pa palang isyu at hawak daw siya ng isang pulitiko sa bandang South kaya pala hindi nauubusan ng datung at magagara lahat ang sasakyan.

Kung tutuusin nga raw ay hindi na kailangan ni aktor magtrabaho dahil buhay hari na siya sa piling ng kanyang benefactor.

Pero teka, sa pagkakaalam namin ay may girlfriend ngayon si aktor, sagot ng kausap naming editor, “E, ano naman? Baka hindi alam, uso naman na ‘yun,” katwiran sa amin.

Sabagay, mukhang high maintenance ang girlfriend ni aktor kaya kailangan niyang kumayod nang husto.

Read more...