Diego Loyzaga sa bugbugan scandal: Hinihingi ko ang inyong pasensiya!

CESAR MONTANO AT  DIEGO LOYZAGA

CESAR MONTANO AT DIEGO LOYZAGA


NANGAKO ang Kapamilya actor na si Diego Loyzaga na maglalabas siya ng kanyang panig hinggil sa balitang nambugbog siya sa isang party na ginanap sa Palace Pool Club, Bonifacio Global City nitong nakaraang Linggo.
Isa si Diego, anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, sa mga itinuturo ng magkapatid na Wilmer Paolo at Wilmer Angelo Lopez na diumano’y kabilang sa isang grupo ng mga nanakit sa kanila habang ginaganap ang party.
Sa kanyang Twitter account, nag-post si Diego ng mensahe para sa kanyang followers na anytime ay ibabahagi rin niya ang kanyang side.
“Id like to kindly ask for your patience regarding the issue involving me right now. A statement from our party will be released soon,” tweet ng binata.
Tulad ng inaasahan, ipinagtanggol ni Julian Estrada si Diego sa mga netizens na kung anu-ano na ang sinasabi laban sa kanyang kaibigan matapos ngang lumabas ang balitang nambugbog diumano ito sa party.
Nauna nang nilinaw ni Julian na wala siyang kinalaman sa nasabing insidente dahil hindi na niya kasama si Diego nu’ng mangyari ito. Nauna na siyang umuwi matapos ang pinanggalingan nilang party sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Sa kanyang Twitter, sinabi ng anak ni Sen. Jinggoy Estrada na hindi ganu’n ang pagkakakilala niya sa kaibigan, “Knowing Diego…he wouldnt do something like that. I know that guy. Diego is a good guy.”
Base sa salaysay ng magkapatid na Lopez, hinahanap ni Diego ang sinasabing nakainitan ng kanilang grupo, ngunit nang sabihin sa kanya na hindi nila kilala ang tinutukoy niyang lalaki, dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa suntukin na diumano ni Deigo ang magkapatid na Lopez.
Isinugod naman ang magkapatid na Lopez sa Taguig-Pateros District Hospital dahil sa mga sugat na tinamo sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan. Nakatakdang magsampa ng kasong physical injury ang mga biktima.
Ayon naman sa The Pool Palace, sa labas ng building nangyari ang gulo.
Reply, Reply All or Forward | More

Read more...