KATAWA-TAWA kapag mailuklok si Vice President Jojo Binay bilang pangulo matapos ang halalan sa Mayo 9.
Si Binay lang ang kauna-unahang kandidato sa pagkapangulo na hindi maganda ang record.
Kaliwa’t kanan ang paratang ng diumano’y pangungurakot ng kanyang pamilya bilang mayor ng Makati City.
Sabihin na natin na politically-motivated ang paglabas ng mga paratang sa kanya at sa kanyang pamilya upang sirain ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo pero kung totoo naman ang mga paratang sa kanila—at mas malamang na totoo kesa hindi—kahit kailan ilabas ang mga ito ay timely o napapanahon.
Siya, ang kanyang asawa na si Elenita at anak na si Junjun, ay naging mayor ng Makati one after the other.
Si Elenita ay may kinakaharap na graft case sa Sandiganbayan at maging si Junjun, na dinismis sa pagka-mayor dahil din sa graft cases.
Si Jojo ay hindi masampahan ng kaso dahil siya’y Pangalawang Pangulo ng bansa, pero kung matalo ay sasampahan din siya ng santambak na mga kasong graft at plunder.
***
Sinabi kong katawa-tawa kung siya ang magiging pangulo ng bansa dahil marumi ang kanyang record bilang isang public official.
At alam ng karamihan na ibinoto siya dahil namigay siya ng pera.
Katawa-tawa dahil ang mga botante sa ating bayan ay walang utak o nadala lang sa pera.
At dahil malaking nagastos ni Binay—kung siya’y mahalal—sa kampanya, natural na babawiin niya ang kanyang perang ginastos.
At kanino naman niya kukunin ang pera? Natural, sa taumbayan!
***
Si Sen. Grace Poe, na neck-to-neck sa mga surveys kay Binay, ay walang bahid sa pangu-ngurakot dahil hindi naman siya naging mayor bago siya naging senador.
Siya’y nanggaling sa America at ang kanyang karanasan lamang ay bilang pre-school teacher.
Hindi nga mangu-ngurakot si Poe, na gaya ni Binay, pero magiging mistula siyang puppet ng mga nakapaligid sa kanya.
Magiging kagaya siya ni Pangulong Cory Aquino, ina ni Pangulong Noynoy, na sunod-sunuran sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Ang sinusunod ni Tita Cory noon ay ang kanyang kapatid na si Tarlac Congressman Peping Cojuangco.
Dahil wala siyang kaalam-alam sa pagpa-patakbo sa bayan, pi-naubaya ni Tita Cory ang pagpapatakbo sa kanyang mga Gabinete at mga kamag-anak.
Ang naging resulta ay ang mga pag-aklas ng ilang sektor ng militar laban sa kanyang administrasyon.
Kung maging pangulo si Poe ay ganyan ang magiging scenario.
Mangangapa siya sa pagpapatakbo ng bansa at sasandal siya sa mga nakapaligid sa kanya.
Gugustuhin ba nating lalala ang problema sa New People’s Army (NPA) at sa Moro insurgency?
Dahil wala siyang alam sa pangangalakad sa pulisya, mas lalong dadami ang krimen at pagkalat ng droga.
***
Tanging sina dating Interior Secretary Mar Roxas at Davao City Mayor Rody Duterte lang ang may karapatang maging pangulo ng bansa.
Pareho silang matagal na nanilbihan sa gobyerno na walang bahid sa pangungurakot.
Pero si Roxas ay mahinang lider at nakita natin yan sa kanyang pamamalakad sa Department of Interior and Local Government o DILG.
Wala siyang liderato o leadership dahil nakikipag-away pa siya sa kanyang subordinate na si Director General Alan Purisima na chief ng Philippine National Police (PNP).
Si Duterte lang ang may “K” o karapatang maging pangulo dahil sa kanyang karanasan sa pagpapatakbo o governance.
Ang Davao City ay itinuturing na isa sa mga pinakaligtas na lungsod sa mundo dahil nilinis ni Duterte ang lungsod ng mga kriminal at drug lords at pushers.
Walang nangungurakot sa Davao City Hall.
Para sa komento o tanong mag-text s a 09178052374 o kaya ay mag-email sa inquirerbandera@gmail.com