Muli pa bang makapag-aasawa? (2)

Sulat mula kay Mirasol ng San Nicolas, Guagua, Pampanga
Problema:
1. Ako po ay nakapag-asawa ng seaman at noong una okey naman ang relasyon namin. Regular siyang tumatawag sa akin kahit na nasa barko siya. Pero ng tumuntong ang 2016 buwan ng Enero nagsimula ng tumabang ang relasyon namin, hindi na po siya tumatawag at hindi na rin nya sinasagot ang call at text ko. Hanggang isang araw ay nag-text siya sabi nya sa akin, “limutin ko na daw siya”. Mula noon wala na akong narinig ni anoman sa kanya at nagbago na rin siya ng SIM card.
2. Naiwan sa aking pangangalaga ang isa naming anak at sa ngayon nga ay nahihirapan ako kung paano ko siya palalakihin. Hindi ko po alam kung ano ang nagawa ko sa kanyang kasalanan. Basta bigla na lang po siyang nagbago. Itatanong ko lang kung babalik pa kaya ang aking asawa o baka may asawa na siyang iba? Kung hindi na siya babalik makapag-aasawa pa kaya uli ako? April 4, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Mirasol ng Guagua, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing dalawa nga ang mapapangasawa mo, una ang lalaking nang-iwan sayo at pangalawa ang lalaking paparating pa lang ngayong buwan ng Marso hanggang Abril na may zodiac sign na Sagittarius.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing, bukod sa isang Sagittarius ang lalaking susunod mong mapapangasawa siya din ay nagtataglay ng birth date na 7, 16, o kaya’y 25. Sa piling ng nasabing lalaki, hindi ka na nya iiwan, habang buhay na kayong liligaya.
Luscher Color Test:
Upang tuloy-tuloy ng lumigaya hindi lamang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng buhay, lagi kang gumamit ng kulay na pula, dilaw at berde. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng pag-ibig at sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Mirasol ayon sa iyong kapalaran hindi na babalik ang kasalukuyan mong asawa na matapos mag-seaman ay iniwan ka na. Sa halip, hintayin mo ang pagdating ng isang lalaking binaggit na ang pagkakakilalan sa itaas, na nakatakda mong makilala sa buwan ding ito ng Marso hanggang Abril. Siya ang nakatakda mo makakasama habang buhay sa pagbuo ng isang simple at mas maligaya ng pagpapamilya na nagtataglay ng initial na R.Y.

Read more...