SARAH ginagamit lang si GERALD para umingay uli ang pangalan

sarah geronimoMATAGAL-TAGAL din nating hindi narinig ang boses ng isang Sarah Geronimo – nakakabingi rin ang katahimikan ng batang ito.

Maliban sa kanyang Sarah G Live ay wala siyang ingay sa showbiz. Everything about her ay very silent.

Nitong nakaraang Christmas season, lalong naging quiet sila – ingat na ingat sigurong marinig ang mga boses sa takot na baka mahingan ng pamasko ng ilang malalapit sa kanila.

Ha-hahaha! Hindi naman daw talaga marunong mag-share ng kanilang blessings ang mag-anak na ito, eh.

Not one member of the media ever said na naregaluhan siya ni Sarah ng anything – mapa-birthday man o Pasko.

Ha-hahaha! Hindi na raw kakuriputan ang tawag daw diyan, ha! Ha-hahaha!

Hoy, hindi ito parinig ha! Observant lang kasi kami sa ganitong mga uri ng tao. Kesehodang limpak-limpak na milyones ang kinikita, kahit ballpen na tigli-limang piso ay never nakakaalala.

Pag naisulat pa nga ng writer ng hindi sang-ayon sa gusto nila, wari mo’y nakagawa ng isang malaking krimen ang reporter.

Hindi man sa regalo – alisin na natin ang anggulong ito, halimbawa ma’y kailangan ng members of the press si Sarah for a show, kahit guesting lang ay hindi ka talaga mapagbibigyan.

Kailangang magbayad ka ng sobrang mahal niyang talent fee.

In short, isa siya sa mga artistang wala kaming pakinabang at all.

Kaya walang masyadong close na writer diyan, meron ba?

Kungsabagay, hindi na ito bago sa pandinig ng mga showbiz aficionados, napakarami ng intrigang lumabas about her family – sad stories about her mom.

Hindi lang ‘yung pagiging stagemother, marami na kaming natunghayang stories about her na hindi kanais-nais.

Me lumabas na kuwento dati sa ibang columns na during Sarah’s birthday sa ASAP Live, natural na maraming birthday cakes ang ipinadala kay Sarah sa show.

Sa dami noon, natuwa raw ang ilang utility staff dahil makakatikim na raw sila tiyak ng cake from Sarah.

Pero lalo lang daw silang nalungkot dahil inuwi raw lahat ni Mommy Divine ang cakes.

Kahit ‘yung na-slice-an na ay inuwi pa rin niya. Wala raw talaga itong iniwan.

Hindi man lang siya nagtira kahit isang mumurahing cake for the staff.

Kaya nagkasya na lang daw sa paglalaway ang mga taga-utility at ibang staff. Totoo ba ito? Gosh!

May isa ring kuwento na nabasa namin before, ‘yung tungkol sa minsang pagluluto raw ni Mommy Divine ng napakasarap na ulam – kaldereta ba iyon o mechado?

Tuwang-tuwa raw ang mga kasambahay nila dahil finally ay makakatikim na raw sila ng karne dahil madalas daw ay maliliit lang na isda lang ang pinapakain sa kanila, laking gulat nila nang talakan sila ni Mommy Divine dahil ‘yung niluluto pala nilang masarap na ulam ay para sa kanilang mga alagang aso.

Napahiya raw ang mga katulong.

Hindi talaga puwedeng ibigay ni Lord ang lahat-lahat sa isang tao. One may be blessed in some aspects sa buhay niya pero there will always be a portion of his life na babawian siya.

Ipaparamdam ni Lord na patas Siya sa lahat ng pagkakataon.

Napansin nating Sarah may have everything now pero bagsak siya sa usaping-puso – pinakamahirap na kalaban sa mga buhay natin.

Ilang beses na ba siyang na-heartbroken? Sa pagkakaalam natin ay dalawang major-major, di ba?

‘Yung una ay kay Rayver Cruz at ang second ay itong kay Gerald Anderson.

Muntik na nga nating makalimutan actually ang kuwento ng buhay-pag-ibig ni Sarah G kaya lang, lately ay nagsimula siyang mag-ingay.

Nagulat talaga kami at nagdrama na naman siya ulit sa press at pinalabas na masama pa si Gerald dahil sobra raw sinaktan ang puso niya.

Teka lang? Noon ay tinanong siya ng mundo kung ano ang estado ng puso niya pero ayaw niyang magsalita.

Pilit siyang nanahimik for reasons only her and her god knows.

Bakit biglang nagtatalak ito ngayon at ang pobreng si Gerald na sobra ang pananahimik ang siyang sentro ng kanyang historia de un amor. Ano ’to?

“Kasi may ginagawang movie na naman with John Lloyd Cruz na ipapalabas sa Holy Week.

Natural, this early ay kailangan na niyang mag-ingay para mapag-usapan siya at ang pelikula nila.

Kailan pa ba siya mag-start na mag-promote? Pag malapit na ang Undas?

Natural na this early ay kailangang mag-ingay na siya para mahaba-habang isyu ang haharapin ng press with her.

“Bait-baitan sila sa press nito ngayon dahil may pelikula siyang ilalabas in the near future.

Pero dapat sa kanila ay singilin ng mga reporters sa bawat isusulat about her, hindi lang ‘yung tokens na ibinibigay nila sa presscons.

Dapat every write-up ay magbayad sila, di ba? Kasi wala naman silang naalalang reporter nitong nakaraang Christmas holidays, ’no!” ang nakakatawang demand ng isang showbiz columnist.

Natawa ako pero I saw his point.

Kasi nga, talagang iniiwasan daw sila ng pamilya Geronimo sa maraming pagkakataon na sa industriya naming ito.

Wala naman daw talaga silang pakinabang sa pamilyang ito kaya ayaw nilang tumulong masyado.

Kungsabagay, in a way, agree ako rito kahit anupaman ang sasabihin ng ibang tao.

Kasi nga, sa buhay na ito, it should be “give and take”, hindi puro “take” na lang.

Ilang beses na ba naming nilambing ang humahawak sa karera ni Sarah for a show, pero hanep kung singilin kami.

Parang binibili namin ang opisina ng Viva sa sobrang mahal.

Kaya sino ang gaganahang tulungan si Sarah Geronimo, aber?

Read more...