Sa thanksgiving party na ibinigay niya para sa entertainment press kamakailan, natutuwa siya na sa loob ng halos 10 taon ay hindi siya iniiwan ng kanyang mga fans.
Tinanong si Sarah kung paano ba niya ia-assess ang nagdaang 2012, “Siyempre, thankful ako for all the achievements na natanggap ko and all the awards.
Sobra pong pinapasalamatan ko ‘yun.
“Sabi ko nga sa last interview ko, hindi ko akalain na mabibigyan pa ako ng award para sa album ko na ‘One Heart’ (Best Selling Album sa 2012 Awit Awards), kasi parang two years ago na yata ‘yun.
Kaya very thankful ako sa lahat ng Popsters!” sabi ng magaling na singer-actress-TV host.
“Pero siyempre, kung may happiness, meron ding kalungkutan, hindi rin naman mawawala ang mga trials, mga pinagdaanan.
Pero sana naman matuto na talaga tayo. Parang sabi ni Lord, ‘Anak, matuto ka na talaga.’ So, ‘yun po,” nakangiting tugon pa ni Sarah.
Say pa ng Pop Princess, marami pa raw siyang dapat matutunan sa buhay, “Maraming-marami pa po.
Like ngayon, magbe-beinte singko na po ako ngayon. Magtu-twenty-five na ako!”
Ngayong 2013 naman, mas marami raw dapat abangan ang fans kay Sarah na magse-celebrate na ng kanyang 10th anniversary sa showbiz.
Extended ang kanyang Sunday musical show na Sarah G Live sa ABS-CBN, at ang part 3 ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz, ang “It Takes A Man And A Woman”.
Tuloy na rin ang pelikula nila ni Coco Martin na ipalalabas na sa June.
May malaking concert din siyang gagawin this year.
“Excited ako this year kasi 25 na nga ako. Hindi lang sa edad, mag-mature ako as a person talaga, as an artist.
Sa lahat ng aspeto ng buhay ko, mag-mature ako.
Gusto ko rin na maging involved na sa pagpapatakbo ng career ko.
“Gusto ko na nakakausap ko ‘yung manager ko, si Boss Vic (del Rosario) para alam ko ‘yung itinatakbo ng career ko.
For the past years, wala po talaga.
Ngayon, gusto ko pong mas maging involved para hindi naman po trabaho nang trabaho.
“May mga bagay po na sana, mabigyan ako ng chance na mag-decide para sa career ko, sa movie projects na ginagawa ko, roles na ibinibigay sa akin, gayundin sa mga albums,” chika pa ni Sarah.
“Pero siyempre, may guidance pa rin ng magulang, kasi sobrang importante ang guidance ng magulang at say nila—kasi iba rin po ang instinct nila.
Siyempre, hindi rin naman maiiwasan na iba ang opinyon natin sa opinyon ng mga magulang natin.
“Pero as long as nakikita ko na may tama rin naman ako, importante na ipaglaban ko nang maayos,” say pa ng dalaga.
At pagdating naman sa lovelife, “Yung lovelife, ako, talagang…kailan ko ba hindi ipinaglaban ang mahal ko?
Sana nga, matagpuan ko na, ‘yung talagang ipaglalaban ka, di ba?”