MAY album launching si Donna Cruz at 6 tonight sa Starmall, Alabang with our Harana Prince Michael Pangilinan and Marion Aunor as her special guests. Donna is under Star Music.
Nakakatuwa dahil after a long absence sa entertainment industry ay balik-recording si Donna Cruz na in fairness ay super ganda pa rin at lalong nag-mature ang boses.
Kasi noon pa man ay singer na talaga ito pero ngayon ay lalong gumanda ang tunog niya. Pa-cute lang kasi siya before kasi bata pa naman siya talaga. You have to listen to Donna now and matutuwa kayo.
Pero sabi niya, sa singing muna siya magko-concentrate, wala pa raw sa plano niya ang umakting uli sa movies or teleserye.
Ang nakakatawa ay ang alaga nating si Michael Pangilinan. Kasi nga, hindi naman niya inabot yung kasikatan ni Donna Cruz. Naririnig daw niya ang name pero hindi niya kilala personally. Hindi niya ma-identify noong una pero noong mag-rehearse sila kahapon para sa kanilang duet, nagulat si Michael dahil maganda raw si Donna. At hindi mukhang mature.
“Paanong kinuha nila akong guest ni Donna, ‘Nay? Hindi naman ako kilala ni Donna,” may pagkamanghang tanong ni Michael.
Hindi naman ‘kako si Donna ang namili para makasama siya, ni-recommend lang siya ng Star Music head nilang si Roxy Liquigan along with Marion kasi nga bagay sa kanila ang materyal na kakantahin with Donna. Hindi naman lahat ng guestings ay request ng kapwa-artists, ‘no! Some are producers’ choices or sa sponsors. Baliw na bata ito, oo. Ha-hahaha!
“Kaya napilitan tuloy akong i-research ang dati niyang career. Pinakinggan ko ang boses ni Ms. Donna para maka-adjust ako sa tunog niya para sa duet namin. Sikat pala dati si Donna Cruz, ‘Nay?” ang sabi pa ni Michael.
Of course! Donna Cruz is Donna Cruz, ‘no! Ha-hahaha!