Sigaw ni Cristine, Vivivan Velez sinungaling

CRISTINE REYES AT VIVIAN VELEZ

CRISTINE REYES AT VIVIAN VELEZ

TINAWAG ni Cristine Reyes na “sinungaling” ang award-winning actress at producer na si Vivian Velez.

Ayon sa lead star ng kontrobersiyal na Kapamilya serye na Tubig At Langis, meron siyang mga ebidensya na magpapatunay na puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi ni Vivian Velez laban sa kanya.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Cristine, sinabi niyang never niyang pinalayas ang veteran actress sa dressing room habang nagte-taping sila.

“Lilinawin ko lang po na wala akong pinapaalis na kahit sino sa dressing room, kahit sinong kasama ko hindi ko ho iyon gagawin. And gusto ko rin linawin iyong resignation niya sa show because of me was a big lie because she found already na papatayin iyong character niya sa soap namin,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa niya, “It saddens me that I’m being used in this particular situation of hers. Sana if ever na mag-settle na lahat ng emotions niya ay maisip niya at ma-realize niya na we all know the truth.”

Nang tanungin kung nagkaroon na ba sila ng away noon ni Vivian, “Hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling ang galit sa akin ni Ms. Vivian. I really don’t understand.”

Sa ginawang pagdepensa naman sa kanya ng produksyon ng Tubig At Langis at sa panglalaglag daw ng staff kay Vivian Velez, “I’m pretty sure kung mayroon akong kasalanan, hindi ako para pagtakpan ng management.”

Hirit pa nito, “Magiging transparent sila kung sino ang nasa tama. And they just clarified it because she’s accusing me of sending her out of the room. And they just backed me up because it’s just not true.”

Sa ngayon, wala raw plano si Cristine na patawarin si Vivian, dahil aniya, “the damage has been done.”

Read more...