Bibili na ng sariling bahay at lupa ang 47-anyos na lalake na nanalo ng P3.3 milyon sa bola ng 6-digit draw.
Noong Pebrero 27 nanalo ang lalake na taga-Maynila pero kamakalawa lamang siya pumunta sa tanggapan ni Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, upang kunin ang kanyang napanalunan.
Siya ang nag-iisang nakataya sa mga numerong 8-6-4-1-5-5. Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang taya.
Ang nanalo ay may-asawa at tatlong anak. Siya ay nagtatrabaho bilang administrative aide.
MOST READ
LATEST STORIES