Humingi ng paumanhin ang Light Rail Manila Corp., sa pag-andar ng isang tren nito habang nakabukas ang isa sa mga pintuan.
Sa isang pahayag, sinabi ng LRMC na iniimbestigahan na ang naturang pagkakamali upang maitama ito at matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay.
“LRMC has a safety policy that no train with a door fault should leave the station of the depot,” saad ng statement. “we apologize to the passengers who were on board the said train.”
Ang Light Rail Transit Line 1 ay pinatatakbo ng private concessionaire na LRMC simula pa noong Setyembre 2015.
“Our operations, engineering and safety teams will work together to ensure that this issue is investigated, addressed and corrected thoroughly to ensure the safety of passengers.”
Isang video ang in-upload ni James Cubelo na nagpapakita na umaandar ang tren kahit na bukas ang pintuan nito.
Ang mga pintuan ay mayroong sensor kaya hindi ito dapat na umandar kung nakabukas.
LRT1 train na umandar kahit bukas ang pinto iniimbestigahan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...