Erap pinuri ang desisyon ng SC matapos paboran ang kandidatura ni Poe; tumanggi pa ring mag-endorso

Erap
PINURI ni dating pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada ang naging desisyon ng Korte Suprema matapos ideklarang ligal ang pagtakbo bilang pangulo ni Sen. Grace Poe sa darating na halalan sa Mayo.
Tumanggi naman si Estrada na mag-endorso ng kandidato, sa pagsasabing ihahayag niya ang kanyang desisyon bago matapos ang Marso.
“I have not decided yet. We have to really study [because] this involves the future of the 100-million Filipinos,” sabi ni Estrada.
Idinagdag ni Estrada na magiging batayan naman niya sa pagpili ng ieendorso ang naging desisyon ng Kataastasang Hukuman kung saan pinaboran nito ang kandidatura ni Poe.

“Of course of course. It’s better. The people will be given the chance to choose. More candidates, the better for the people,” dagdag ni Estrada.
Inamin naman niya na magiging batayan din niya ang personal na relasyon niya sa mga kumakandidato. Kapwa malapit kina Poe at Vice President Jejomar Binay si Estrada.

“It should be “the interest of the people before anything else,” ayon pa kay Estrada.

Hindi naman direktang sinabi ni Estrada kung personal siyang mangangampanya sa ieendorsong kandidato.
“You know I will charge them money for my personal appearance. Mahal ako,” sabi ni Estrada.

Read more...