UMABOT na hanggang sa Korea ang kasikatan ni Carrot Man or Jeyrick Sigmaton in real life. Nai-feature din kasi ang binatang taga-Mountain Province sa isang TV show sa South Korea.
Last Saturday, ipinalabas ang episode ng Global Information Show (ng Korean Broadcasting System 1TV) kung saan ipinakita ang pagiging sikat ni Carrot Man sa Pilipinas at kung paano siya ikinumpara ng mga netizen sa mga South Korean male stars na sina Lee Min Ho, Won Bin at Jang Geun Suk.
Inilahad ng host ng Global Information Show kung paano na-discover si Jeyrick at kung bakit siya tinawag na Carrot Man.
Naging interesado ang nasabing programa sa Korea dahil nga naging trending topic sa Twitter ang buhay ni Carrot Man. Bukod dito, base sa research ng nasabing Korean TV show, naging isa sa “most-searched term” din sa Google ang “CarrotMan”.
Kung matatandaan, biglang sumikat si Jeyrick nang mag-viral sa social media ang kanyang litrato habang may dalang isang kaing ng carrot. Ang mga nasabing litrato ay kuha nina Chee-Nee De Guzman at Edwina Bandong habang patungo sila sa Sagada noong Feb. 6.
Mas nakilala pa ng mga tao si Jeyrick nang mainterbyu siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, Unang Hirit at sa Wowowin kung saan napaiyak pa ang binata nang makita up close and personal ang kanyang idol na si Willie Revillame.
Nangako rin si Willie na sasagutin ang pag-aaral ni Carrot Man hanggang sa college.
MOST READ
LATEST STORIES