May pag-asa pa bang makaahon sa kahirapan?

Sulat mula kay Marina ng Telegrafo,  Tolosa, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Hiwalay po ang mga magulang ko at ako po ay nasa poder ng nanay ko habang ang tatay ko naman ay sa ibang babae na umuuwi. Sa ngayon hirap na hirap na ang nanay ko kung paano kami bubuhaying limang magkakapatid, at kung saan-saan na siya nangungutang para lang kami mabuhay. Sa ngayon naman ako ay naghahanap ng trabaho para makatulong sa aming pamilya. Ang gusto ko lang itanong sa inyo Sir Greenfield ay kung muli kayang mabubuo ang aming pamilya? Babalik pa kaya ang tatay ko? At ako naman makakahanap kaya ako ng trabaho kahit tindera lang sa palengke? Sa ganitong kalagaya ng aming buhay inabandona ng aming ama makaka-ahon pakaya kami sa kahirapan? August 4, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Marina Leyte
Solusyon/Anlysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, bagamat hindi pa ngayon, makapag-aabrod ka at sa pamamagitan ng nasabing pangingibang bansa, doon na nga magsisimulang maiahon mo sa kahirapan ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Bagamat mahirap, makakaya nyong mapaunlad ang inyong pamilya kahit wala na ang iyong ama, ito ang nais sabihin ng barahang Queen of Diamonds, Nine of Diamonds at Eight of Diamonds. Ibig sabihin sa taong 2018 hanggang 2019 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa na itatala sa iyong kapalaran na magiging simula upang unti-unti ng makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya.
Itutuloy….

Read more...