Presyo ng langis tataas

oil
MAKARAAN ang sunud-sunod na dagdag- bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, nagpatupad ng pagtataas ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo bukas.
Sabay na nag-anusyon kahapon ang kumpanyang Pilipinas Shell at Phoenix Petroleum na tataas ng P0.65 kada litro sa diesel, P0.80 sa gasoline habang P0.70 naman kada litro sa kerosene na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga.
Habang inaasahan naman na magtataas din ng kahalintulad na halaga ng mga produktong petrolyo ang iba pang kumpanya ng langis kabilang ang dalawa pang tinaguriang “Big3” ang Petron Corporation at Chevron.
Ang bagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Magugunitang huling nagpatupad ng dagdag bawas sa mga presyo ng mga produktong petrolyo ay noong Marso 1 na nagtaas ng P0.20 kada litro sa gasoline habang nagtapyas ng P0.15 kada litro sa Kerosene at P0.10 naman sa diesel.

Read more...