TANGING si Cadet First Class Christine Mae Calima, ng Bolinao, Pangasinan ang babae nakapasok sa top 10 ng mga magtatapos sa Philippine Military Academy (PMA).
Pangalawa si Calima sa listahan na ipinalabas ng PMA sa harap naman ng pagdiriwang ng Women’s Month.
Pangungunahan naman ni Cadet First Class Kristian Daeve Abiqui, ng San Pablo, Isabela ang mga magtatapos sa PMA Gabay Laya Class of 2016.
Pangatlo naman si 1st Class Cadet Arby Jurist Cabreran, ng Cauayan, Isabela; sinundan naman sina Cadet Joseph Stalin Fagsao (4th) ng Maddela, Quirino; Cadet Jayson Jess Tumitit (5th), ng Baguio City; Cadet Cadet Mark Joseph Daria (6th), ng Bangar, La Union; Cadet Ace Clarianes (7th), ng Libmanan, Camarines Sur; Cadet Prince Aday (8th), ng Sta. Cruz, Davao del Sur; Cadet George Bernard Garcia (9th), ng Labrador, Pangasinan; at Cadet Gerald Gasacao (10th) Meycauayan, Bulacan.
Pangasinense nag-iisang babae na pumasok sa top 10 ng PMA 2016
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...