Maria Ozawa nabiktima ni DJ Mo, hiyang-hiya kay Cesar

cesar montano

Loko, di nakatikim ng kaliwa’t kanang boldyak sa social media ang Japanese porn star na si Maria Ozawa? Kababaeng tao nga naman niya, sabi ng ating mga netizens, pero kung bakit pati ang sandata ng mga kalalakihan ay ipinagbubuyangyangan niya sa publiko?

Walang nagawa ang hitad kundi ang bumawi at sabihing joke lang daw naman ang sinabi niyang nag-one night stand sila ng nananahimik na si Cesar Montano sa kanyang interview sa hindi makauwi-uwing radio anchor na si DJ Mo Twister.

Mali raw ang pagtanggap ng mga kababayan natin sa kanyang mga sinabi, pinalaki lang daw ng media ang mga sagot niya sa interview, sisihin pa ba ang mga taong nakamasid lang naman sa kanyang mga pinaggagagawa?

In-edit daw ang kanyang mga sagot, hindi raw totoo ang sinabi niya, joke lang daw ‘yun. Magpa-interview ba naman siya kay DJ Mo Twister na kilalang-kilala na sa mga istilong ganyan?

Parang labandera ang deejay na ito, pilit nitong pinipilipit na parang damit ang kanyang mga panauhin para lang ito makakuha ng sagot na kontrobersiyal, magsama na lang silang dalawa na kulang sa pansin!

Hindi na dapat magpaliwanag si Cesar Montano, binawi na ni Maria Ozawa ang kanyang sinabi, hindi dapat bigyan ng panahon ang isang babaeng tulad niya na pati pinakakatagu-tagong bahagi ng katawan ng lalaki ay parang wala lang niyang nailalarawan.

Read more...