2 Cabinet members ni PNoy nagpayaman nang todo

TINAWAG na cronies ng isang dating mambabatas na dati ring kaalyado ng administrasyon ang dalawang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino.

Sinabi ng dating mambabatas na dapat silipin ng susunod na administrasyon ang mga itinatagong yaman ng dalawang malapit na kaibigan ng pangulo.

Si Sec. B umano ay may mga eroplano pero hindi naman ito deklarado sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) pero alam sa kanilang lalawigan na siya ang may-ari ng isang local airline company doon.

Si Sec. B din umano ay may bagong mansion sa isang kilalang lugar malapit sa Metro Manila.
Malakas ang opisyal na ito ayon sa dating mambabatas dahil kahit ilang beses na siyang sumabit sa ilang money-making scheme ay hindi pa rin siya natitinag sa pwesto.

Simple naman ang raket ng isa pang opisyal ng gobyerno na sinabi rin ng dating mambabatas na nagpapayaman lang sa pwesto.

Si Sec. E. ay kumikita umano sa pamamagitan ng porsyento sa mga projects sa ilalim ng kanyang tanggapan.

Malawak ang sakop ng kanyang kapangyarihan kaya naman sagana rin ang kanyang kita sa kasalukuyan ayon pa sa dating mambabatas.

Ilan yan sa mga dahilan kaya kumalas sa makikipag-alyansa sa administrasyon ang dating mambabatas na ito.

Hindi raw niya masikmura na ang sinimulan nilang matuwid na daan ay nababalot ngayon ng katiwalian.

Kung sabagay, mga dati na rin namang operator sa mga kalokohan ang mga ito lalo na si Sec. B. na sinasabing utak ng pinakamalaking iskandalo kung ang pag-uusapan ay pondo ng gobyerno.

Kaya ang wish ni dating Cong. B, sana naman ay mahalungkat ang mga kalokohan ng mga taong ito ng susunod na administrasyon.

Si Sec. B na tinutukoy sa ating Wacky Leaks sa araw na ito ay mula sa pamilya ng mga may matataas na pwesto sa kasalukuyang administrasyon.

Si Sec. E naman ay madalas ihalintulad sa kanyang kontrobersyal na lolo na umano’y dahilan kung bakit nalagay sa miserableng sitwasyon ang ating bansa.

Ang dating mambabatas na ating tinutukoy ay dating tagahakot ng mga tao sa mga pro-Malacanang rally.
Siya si dating Cong. B….as in Below the belt.

Read more...