Sulat mula kay Cathy ng Lantad, Naga, Cebu
Dear Sir Greenfield,
Nagka-break kami ng boyfriend ko kasi bukod sa akin nabisto ko po siyang may iba pang girlfriend. Kaya nagalit ako sa kanya at hinamon ko siya na mag-break na kami. Pumayag naman siya, ang kaso ng mawala na siya sa buhay ko doon ko na-realized na hindi ko pala kaya na mawala siya, kaya balak kong makipag-balikan uli. Ang kaso mag-on pa rin sila hanggang ngayon ng girlfriend nya. Ano ba ang gagawin ko para muli kaming magka-balikan? Sa inyong pag-aanalisa may pag-asa pa bang kami ay magkabalikan? At kung magkakabalikan pa kami, kalian po kaya? September 16, 1991 ang birthday ko at December 12, 1989 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Cathy ng Naga, Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Dahil maikli ang una na medyo biyak (arrow 1.) habang mas mahaba ang ikalawa (arrow 2.), ibig sabihin hindi mo makakatuluyan ang una mong boyfriend, habang ang ikalawang boyfriend ang makakatuluyan mo at makakasama habang buhay. Ibig sabihin, kung pang-una ang boyfriend mo sa ngayon, hindi na nga kayo magkakabalikan, pero kung siya na ang ikalawa, tiyak ang magaganap magkakabalikan pa kayo at kapag nagkabalikan kayo – kayo na nga ang magiging mag-asawa at magsasama habang ng buhay.
Cartomancy:
Eight of Hearts, Two of Clubs at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matapos kayong tuluyan ng magka-break ng kasalukuyan mong boyfriend sa taon 2018, muling sisigla at magiging maligaya ang iyong damdamin, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A na halos kasing edad mo rin.
Itutuloy….
Magkakabalikan pa ba?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...