Halikan ng JaDine sa OTWOL mami-miss ng madlang pipol

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

ACHIEVE na achieve talaga ang pagtatapos ng On The Wings Of Love ng reel and real life couple na sina James Reid at Nadine Lustre sa pagpalo nito ng all-time high rating na 27.8%, base sa datos ng Kantar Media.

Bukod pa riyan, hindi rin mapigilan ng fans ang pagpapahayag ng kanilang kilig online dahil umani ng halos apat na milyong tweets ang finale ng OTWOL. Ayon sa loyal viewers ng serye, isa sa mga inaabangan nila ay ang kissing scenes ng JaDine na talagang nagpapakilig sa kanila.

Sa katunayan, yun daw ang mami-miss nila ngayong tapos na ang serye. Ngayon daw ay alam na nila kung bakit natural na natural ang kissing scenes nina James at Nadine, totohanan na pala ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ngunit hindi lang ang JaDine series ang tinutukan ng buong bansa noong Biyernes. Base sa datos ng Kantar Media, 18.5% ang naitalang national TV rating ng finale episode ng Pasion de Amor na may apat na puntos na lamang laban sa katapat na programang Wowowin (14.8%) ng GMA.

Ipinakikita rin ng back-to-back finale ratings success ng dalawang Kapamilya programs an ABS-CBN ang tinututukan ng buong sambayanan sa primetime.

Sa pagtatapos ng OTWOL at Pasion de Amor, nagsimula naman ang dalawang bagong seryeng handog ng ABS-CBN, ang The Story of Us nina Kim Chiu at Xian Lim at ang We Will Survive nina Pokwang at Melai Cantiveros.

Read more...