‘Kahit anong mangyari, hindi ko iIboboto si Pacman!’

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

I WAS listening to a debate ng dalawa kong kaibigang bading tungkol sa kung sino ang iboboto nila for presidency at bakit.

Ito ang sabi ng isa na nakatawag ng pansin sa akin, “Why am I eyeing Jojo Binay for presidency ang itanong mo? Ganito lang kasimple ang aking dahilan…why Binay? Simply because naniniwala akong meron siyang magagawa para mapaunlad ang bansang ito.

“Kung nagawa nga niyang prime city ang Makati sa loob ng ilang dekada, mas malaki ang chance na mapapayaman niya ang bansa natin. Ang ibinabato sa kaniya ay kaso sa korupsiyon, teka lang naman, sino ba sa kanila ang hindi corrupt? Lahat naman ng pulitiko ay corrupt ah. Iba-ibang level lang. Kaya nga sila nagpapatayan sa puwesto dahil there’s so much money in politics kaya.

“Kahit sa lokal na posisyon lang, walang kama-kamag-anak, napansin ninyo? Yung iba nagpapatayan pa nga para lang manalo. Kasi nga, maraming pera sa politics. Ang labanan lang after ay kung ano ang nagagawa nila para sa kanilang nasasakupan Sa palagay niyo ba malinis ang ibang kandidato? They are all hunger for power and money. Kaya magsitigil nga sila!” ang mataray na litanya ng bading.

“Anyway, ayoko nga kay Rodrigo Duterte. Ang angas kasi ng dating. Palamura pa. Ayoko sa taong pati Santo Papa ay minumura niya – wala siyang galang sa Diyos. Ayokong kalakihan ng mga anak ko ang presidenteng palamura. Bastos ang bunganga. Tsaka manyakis. Sino bang matinong tao ang ibinabandera pa ang other women niya? Yung pagdadala niya sa motel sa isang girlfriend niya?

“Sobrang pagpapakita ng machismo kaya nagdududa tuloy ako sa kasarian niya, feeling ko bading siya.

Kasi ang tunay na lalaki won’t display so much machismo in public, parang reverse psychology lang.

Tsaka kahit sino ay hindi mangangako na kaya niyang baguhin ang mukha ng bansa in three to six months lang. Huwag niya tayong ululin. That’s a lie and very unrealistic,” pagpapatuloy pa ng beki na akala mo’y political analyst talaga.

“Si Miriam Santiago naman ay sakitin na rin. Hindi na kakayanin ng puso niya ang sobrang stress. Hindi na tulad ng dati na kaya pa niyang lumaban. Ganda sana ng sense of humor at sobrang matalino. If she won sana nu’ng naglaban sila ni FVR (Fidel V. Ramos) years back, she could have been a good president siguro. Pero ngayon, malabo na siyang maka-deliver. Sayang nga eh.

“Si Grace Poe naman ay okay sana kaya lang mukhang madi-disqualify dahil sa kung anu-anong isyu on her residency at SSN sa Amerika. Tsaka too soon ang pagtakbo niya. Hindi pa siya hinog, hindi pa niya kakayanin ang panguluhan. Kung napapansin ninyo, puro coconut levy lang ang isyu niya noong nakaraang debate nila sa CDO, di ba?

“Ito namang si Mar Roxas, anong matuwid na daan ang pinagsasabi niya? Nasaan ang tuwid na daan? Hoy, lalong lumaki ang utang ng bansa mula nang maupo ang best friend mong si P-Noy, ‘no! Kasing-lubak ng utak niya ang tuwid na daan ninyo. Mr. Palengke raw pero ni minsan ay hindi raw umapak sa palengke ng Roxas City na pinagmulan niya dahil diring-diri yata sa amoy.

“Kaya sa lahat sa kanila, sabihin na nilang sinungaling dahil may ilang inconsistency sa pronouncement niya tungkol sa kahirapan ng kanyang pamilya, pero si Binay lang talaga ang may kakayanan to rule sa lahat sa kanila. Sabihin niyo sa akin kung sino ang hindi corrupt sa mga iyan?!” ang inis na inis pang pahayag ng bading.

Sa haba ng salaysay niya ay nilayasan siya ng kausap niya. Kasi nga, walang preno ang bunganga, tuloy-tuloy siya, hindi na nakasingit ang kadebate niya. Kaysa makatulog o masapak siya sa mahabang eksena, lumayas na lang ang baklitang katsikahan niya. Ako na lang ang naiwang nakikinig pero in fairness, napabilib niya ako sa paliwanag niya kung bakit si Binay ang gusto niyang manalo.

Wait lang ha, kukuha lang ako ng second opinion. At least, naka-first base ka sa akin, kafatid. Pero ang sure ako ay si Bongbong Marcos ang VP ko at itaga mo sa baga mo, hinding-hindi ko iboboto ang mahina ang utak na si Manny Pacquiao kahit sabihin pang winnable siya dahil sa kasikatan niya.

Mamatay siyang hindi makukuha ang mahal kong boto. Ha-hahaha!

Kailan ba ang eleksiyon? Sa May 9? Ang tanong, may eleksiyon nga bang magaganap? Well, sana hindi mag-fail kapag natuloy. Basta ang payo ko lang sa lahat ng botante, mag-isip nang 100 times bago iboto ang napupusuang kandidato. Huwag pasisilaw sa pera at impluwensiya ng mga tumatakbo.

Read more...