Ser Chief, Richard Poon gagawa ng album, magsasama sa concert

richard yap

MARAMING fans si Richard Yap sa ibang bansa ang nagtatanong sa amin kung ano na ang susunod na project niya sa ABS-CBN ngayong awala na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Sabi namin, magkakaroon ng teleserye si Richard, hindi pa lang namin alam kung sino ang makakasama niya at kung ano ang magiging papel niya rito. Pero sigurado kami na under pa rin ito sa Dreamscape Entertainment.

At nagulat kami bossing Ervin dahil alam nilang may concert si Richard Yap sa iba’t ibang bansa kasama si Richard Poon sa darating na Agosto. Kaya nagtanong kami kay Caress Caballero ng Cornerstone Talent Management Agency na humahawak sa career ng mister ni Maricar Reyes, kung totoong may concert nga ang dalawa abroad.

“Actually birthmate, plano pa lang, pero sure na mayroon, hindi lang alam kung August o September, depende sa availability ng venues at iba pang concerns. “Dapat mauuna munang lumabas ang album nilang dalawa, yes birthmate magko-collaborate sina Richard Poon at Richard Yap sa album, mostly covers ang songs.

“Si Richard Poon, siya mismo ang magpo-produce at mag-aareglo ng songs niya at si Richard Yap ay si Jonathan Manalo. Baka co-produce ito ng Cornerstone at Star Music. “As of now ay wala pang title ang album, pero definitely, same title rin ng concert nu’ng dalawa.

“Target release ng album ay June, so hopefully habang nagpo-promote ng album, patungo na rin sa concert ng August kung kakayanin,” detalyadong kuwento sa amin ng publicity manager ng Cornerstone.

Hayan, sa mga supporters ni Papa Chen (sa Binondo Girl), Ser Chief (sa Be Careful With My Heart) o Phillip Tang (sa Ang Probinsyano) abangan ang upcoming concert at bagong serye niya sa ABS-CBN.

Read more...