Palasyo nais ipa-ban si Madonna

madonna
SINABI ng Palasyo na desidido ang gobyerno na i-ban si Madonna sa pagtatanghal sa bansa matapos namang ang pambabastos sa watawat ng Pilipinas nang gawin niya itong kapa sa ikalawang gabi ng kanyang concert sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Malacañang is keen on banning Grammy award winner and Queen of Pop Madonna from performing in the Philippines for disrespecting the Philippine flag in her concert,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma sa panayam ng AFP.

Nauna nang sinabi ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na magsasagawa ito ng imbestigasyon hinggil sa posibleng paglabag sa batas ni Madonna o ng mga nag-organisa ng kanyang concert sa bansa.
Ayon kay Teddy Atienza, pinuno ng Heraldry Section ng NHCP, sumayad pa sa sahig ng stage ang bandera, isang malinaw na paglapastangan sa watawat.
Sa ilalim ng Republic Act 8491 Sec. 34, bawal isuot o gamitin bilang costume ang bandera ng Pilipinas.
Sakaling mapatunayang may paglabag, parusang isang taong kulong o multa na P5,000 hanggang P20,000 ang maaring kaharapin ng organizer.

Read more...