Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.7 ang South Cotabato noong Sabado ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:43 ng gabi. Ang sentro nito ay natunton tatlong kilometro sa kanluran ng T’boli.
May lalim itong 12 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagresulta ito sa Intensity III paggalaw sa T’boli at Intensity II sa General Santos City.
MOST READ
LATEST STORIES