Roxee B ayaw pang pakasalan si Will Devaughn: Sa tamang panahon!

roxanne barcelo

KASAMA na si Roxee B o dating Roxanne Barcelo sa bagong bihis na Happy Truck Happinas, ang variety show ng TV5 na mapapanood tuwing Linggo, 11 a.m. simula sa Marso 6.

Sa presscon ng programa ay natanong ang dalaga kung bakit siya tinanggal sa seryeng Bakit Manipis Ang Ulap? bilang asawa ng karakter ni Bernard Palanca na ex-boyfriend naman ni Claudine Barretto.

“Ganu’n po yata ang takbo ng showbiz at trabaho, pero may magandang balita naman po sa akin (ang Viva) kaya iyon po ang inaabangan ko at ginagalingan ko naman po ang bawa’t eksenang ibinibigay sa akin.

“Iba po ‘yung narinig ko, pero sige po, oo (tinanggal) pero ginagalingan ko naman po, siguro sa hosting naman tuloy naman ako sa PDO (Aksyon Balita), Bet Mo Ba TV show sa Viva, so isang karangalan po na makasama ako dito sa Happy Truck Happinas,” paliwanag ng dalaga.

Natanong din kung sila pa ng boyfriend niyang model-actor na si Will Devaughn at kung kailan sila ikakasal dahil matagal na silang nagpaplano.

“Any moment po na kapag na feel na po namin ‘yung urge, wow! Ha-hahaha! Big word. Pag ready na po. Pinapauna lang po namin ‘yung mga kabarkada namin, gusto kong maging bridesmaid sa lahat, gusto naming ma-witness lahat. Kapag tamang panahon na po.

“Kami pa naman po at hindi pa naman kami nagli-live in pero minsan sleep over, uso naman na po ‘yun,” natawang sabi ni Roxee. Samantala, sa pagre-reformat nga ng Happy Truck Happinas ay nagdagdag pa ng ilang segments ang show tulad ng Linggo Limbo, Dummy Kong Tawa, MY DIY (My Daddy Is Yummy), Mutya Ka ng Bayan, ang remote segment na Kalye Diva, Basagan ng Brains, IQ Ay Pilipino, OJ In-Between, VideOK Na, KantaRant, Quick and Answer, Pik Pak Boom, Walang Hulugan at Walang Basagan ng Trip.

Bukod kina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, Alwynn Uytingco, Tom Taus, Kim Idol, Akihiro Blanco, Ritz Azul, Eula Caballero, Sugar and Spice at Derek Ramsay, kasama na rin sa Sunday show ng TV5 ang mga bagong babies ng Viva Artist Agency na sina Alonzo Muhlach, Shy Carlos, Yassi Pressman, Meg Imperial, Bangs Garcia, Sam Pinto, Ella Cruz, Kim Molina, Monica Cuenca at ang all male barkada na Yolol (You Only Live Once Lang) na binubuo nina Andrew Muhlach, VJ Marquez, Jason Salvador, Owy Posadas at Jack Reid.
 

Read more...