Anak ni Bossing engaged na rin, ibinandera ang pagpo-propose ng BF

paulina sotto

Ilang linggo matapos ikasal si Vic Sotto kay Pauleen Luna, ibinandera naman ng anak ni Bossing na si Paulina Sotto na engaged na siya sa kanyang boyfriend na si Jed Llanes.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Paulina (anak ni Vic sa dating model-actress na si Angela Luz) na nag-propose na si Jed sa kanya at agad din daw siyang sumagot ng “Yes!”

“Before I met @jedllanes, I really thought this wasn’t going to happen for me. I love you babe and I can’t wait to marry you. #YES!” ang inilagay na caption ng anak ni Bossing sa IG picture nila ni Jed.

Read more...