MANANG, Ako po si Patricia, 20 years old at taga Pasonanca, Zamboanga City.
May boyfriend po ako, three years na po kaming nagsasama ngayon at may anak na rin po kami. Mag-one year old na siya this May 16.
Pero ang mahirap po ay ngayon ko lang nalaman na may asawa na pala yung boyfriend ko at ito ay nasa ibang bansa nagtatrabaho. Hndi ko na po alam kung ano na ang gagawin ko dahil may anak na rin kami.
Hindi niya sinabi sa akin at maging ng mga magulang niya ang tungkol sa kanyang asawa. Ang mas masakit po ngayon hindi tanggap ng boyfriend ko yung anak namin dahil sinasabi niya na hindi sa kanya yung bata.
Ano po ang gagawin ko? Siya lang po yung naging una at huli ko?
Patricia, Zamboanga City
Hello Patricia! Sa kung ano pang dahilan at inilhim n’ya ang isang napakaimportanteng bagay, isa lang ang masasabi ko, your boyfriend does not operate on trust at wala s’ya nito para sa’yo.
Trust is an important ingredient in any relationship. Hindi ko nakikita kung paano
Think about it – hard. Patricia, I feel you but you have to make a decision as early as now kung siya ba ay tamang tao para sa iyo at para maging tatay ng anak mo.
Kung 20 years old ka pa lamang, you also need to do a lot of growing up and maturing and I mean that in a good way. Huwag matakot. Ikaw ang magdedesisyon para sa peace of mind mo and also think about how the choices you will make now kase it won’t only affect you but also your baby. I wish you well.
Ang payo ng tropa
Hi Patricia,
Ang sakit naman ng ginawa ng BF mo sa iyo, inanakan ka na niya, tapos itinatanggi niya ang anak ninyo.
You need to be strong dahil wala kang aasahan sa kanya. Kailangan mong alagaan mabuti ang iyong anak at pati ang sarili mo, ipakita mo sa BF mo na kahit nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon ay kakayanin mo ito.
Huwag mo nang ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon sa kanya. Tama na yung mga pagsisinungaling na ginawa niya sa iyo.
Huwag kang mag-iisip ng mga negative, dapat laging positive para na rin sa inyong dalawa ng anak mo.
Ate Jenny
Hindi ka na dapat nagdadalawang-isip sa lalaking gaya ng BF mo. Tama si Manang, nagsimula ang relasyon ninyo sa isang kasinungalingan kaya walang patutunguhan ‘yan. Hindi minamahal ang ganyang uri ng tao, lalo pa nang itanggi niya ang anak ninyo.
Tanging payo lang ang maibibigay namin, at the end of the day ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa iyo at sa iyong anak. Kaya paganahin ang utak, ‘wag na muna ang puso.
Sean via Facebook
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o inquirerbandera2016@gmail.com.