Wish ni CRISTINE sa 2013: Sana magkaayos na kami ng ate ko!

cristine and araIsa sa mga wish ni Cristine Reyes sa darating na Bagong Taon ay ang magkaayos na sila ng kanyang ate Ara Mina.

She said in an interview na hindi siya tumitigil sa pag-reach out sa kanyang kapatid, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapatawad.

Tinanong si Cristine kung gaano ba niya kamahal si Ara, ang sagot niya, “Hindi na tinatanong ‘yan.

Alam naman…basta, hindi na kailangang sabihin pa.”

Umaasa pa rin si Cristine na bago matapos ang taon ay magkakaayos na sila ni Ara, “I hope, hindi naman napuputol yung hope ko,” kasabay ng pagsasabing hindi raw talaga siya tumitigil sa paggawa ng paraan para mapatawad na siya ng kanyang ate.

“My sister Heidi is communicating with her and still she (Ara) doesn’t want to talk to me.

Well, I think, hindi puwedeng pilitin.

So, huwag nating madaliin,” Cristine swears.

Ano’ng sey mo Ara?

Read more...