May dayaan na naman daw sa MMFF 2012, MMDA kinuwestiyon?

bong revillaMas pinaboran sina Bossing, Bong, Kris at Vice

LAST Sunday ginanap ang Parade of Stars para sa 2012 Metro Manila Film Festival which formally opened yesterday kung saan walong pelikula ang naglalaban-laban sa takilya, ang  awards night naman ay gaganapin sa Meralco Theatrer bukas ng gabi.

Bongga ang naganap na parada last Sunday na nagsimula sa Luneta at nagtapos sa SM Mall of Asia.

Baligtad sa mga nakaraang taon dahil dati’y sa Luneta ito nagtatapos.

Anyway, super star-studded ang parada – halos lahat ng big stars ay dumating.

Pinakaunang float ay ang “Si Enteng, Si Agimat at Si Ako” na sinunday ng “Sisterakas”, then ang “Thy Womb” ng one and only Superstar Ms. Nora Aunor at ang last float naman na talagang pinagkaguluhan ay ang sa “El Presidente: The Gen. Emilio Aguinaldo Story” starring Laguna Gov. ER “Jeorge Estregan” Ejercito with Christopher de Leon and Cesar Montano.Kasama rin sa float ng “El Preidente” kung saan din kami nakasakay na mga kaibigan natin sa press, sina Cristine Reyes, Papa Wendell Ramos, Baron Geisler, William Martinez, Alvin Anson, Archie Adamos, Ronnie Lazaro, mga bagets na sina Jerico Estregan, Eric and Julia Ejercito and Mav Lozano, Pagsanjan Mayor Maita Ejercito, Alicia Mayer, Ian de Leon, Hero Bautista, Dennis Padilla, Bayani Agbayani and many more.

Nahilo raw ang mahal nating Superstar na si Nora Aunor dahil akyat-baba raw ito sa float ng “Thy Womb” para mapagbigyan ang kanyang mga fans na gustong magpalitrato sa kanya – the usual Mama Guy na talagang pinagbibigyan ang lahat. Kaya lang, dala ng sobrang init ay nahilo raw ito pero nakuha pa rin namang tapusin ang parada.

Si Kris Aquino naman daw ay hindi nakaabot sa simula ng parada, humabol na lang daw ito sa MOA.

Kaya lang, marami raw ang disappointed sa kanya dahil hindi man lang daw nitong nakuhang kumaway at ngumiti sa mga tao, “Mabuti pa sina Vice Ganda and Ai Ai (delas Alas), kinakawayan kami.

Si Kris nagsuplada yata.

Mabuti pa noong nagkakampanya pa lang siya sa kuya niya, ang bait-bait niya.

Kaya humanda sila, hindi na namin iboboto ang kahit sinong Aquino na tatakbo sa puwesto,” banta ng ilang nabwisit sa kasupladahan daw ni Kris that late afternoon.

Anyway, the day after, nu’ng Dec. 24 ay merong kumalat na text message regarding the unfair division of theaters sa eight official entries.

May mga sinehang di-hamak na mas lamang sa iba in terms of number of movie houses na palalabasan.

Here’s the text message,  “FYI MMFF DATA: In Metro Manila, 300 plus theaters were raffled equals to 44 theaters each for the 8 official movie entries to balance he combination of theaters but free booking for additional theaters (palakasan system) in the provinces which is not officially included but 8 movie entries have a nationwide simultaneous showing to avoid piracy.

“Take note of this unfair total breakdown of theaters for each film entry: Agimat, 130, Sisterakas, 130, Shake, 70, One More Try, 60, El Presidente, 51, Thy Womb, 43, Sosy Problems, 40 and Strangers, 40.

The Topgrosser Movie announcement on Dec. 26 will be an unfair judgement for the six other movies who got less than 80 theaters each. MMFF should change this unfair system. Please pass to concerned media groups.”

Naging viral ang message na ito and when we got the chance to speak to MMFF Chairman Francis Tolentino last Dec. 24 mga bandang  11 p.m. sa “Mismo” program namin sa DZMM, this is what he had to say…

“Yes, naging viral nga yang message na iyan and for sure, galing iyan sa isang producer ng isang entry.

And yes, tama ang figures na. Ang paliwanag namin dito, it has been like that for 37 years and ngayon lang nagkaroon ng ganitong controversy.

Wala naman kasi kaming nakitang masama as far as the executive committee namin is concerned.

We distributed the more than 300 theaters sa Metro Manila to all of them.

Para makaiwas nga sa piracy, pinayagan namin ang mga theater owners na magpalabas sa kanilang respective provinces ng 8 entries na ito pero hindi na namin sakop ‘yan dahil hindi wala na siya sa Metro Manila.

Prerogative na ng theater owners kung anong movies ang gusto nilang ipalabas.

Tsaka hindi na namin binigyan ng malaking weight sa criteria ng MMFF for Best Picture ang topgrosser and we will stick to the ruling na kung aling pelikula ang talagang may quality at maganda ay siyang mananalong Best Picture,” paliwanag ni Chairman Tolentino.

Sabi namin, unfair nga naman ang ganitong sistema dahil yung official announcement na ginagawa ng MMFF on the box-office results ay ang kabuuan ng kita sa lahat ng sinehan nationwide, hindi yung sa equally-distributed Metro Manila theaters alone.

Alam n’yo naman dito sa atin, ang laking impluwensiya sa mga tao pag nag-trending ang pagiging box-office hit ng isang entry dahil iyon ang dinudumog nila.

Kasi nga, tulad ng “Agimat” at “Sisterakas”, with 130 theaters each sila compared to the other entries na may more or less 60 theaters lang, mas malaki talaga ang overall gross receipts nila kahit tumabo pa sa Metro Manila ang mga ito.

That’s grossly unfair para sa mga pelikulang kokonti lang ang mga sinehan.

Bakit hindi pinakialaman ito ng MMFF? Bakit hindi sila ang nag-distribute nito sa provincial theaters tutal isinabay na rin lang sa MMFF season, di ba?

“Hindi na namin kontrolado ang sa provinces kasi nga wala na sila sa Metro Manila.

Yes, inaamin naming ang official topgrosser announcement namin ay sa overall na kita sa buong Pilipinas pero hindi na namin binibigyan ng weight sa pagiging Best Picture ito.

Tsaka balanse naman ito eh, kung ako ay isang manonood, pag puno na ang isang entry dahil mahaba ang pila, doon na ako pupunta sa maluwag na sinehan,” ang may pagkapilosopong sagot ng MMDA chairman.

Alam n’yo mga kaibigan, mali nga ang sistema ng MMFF na ito.

Natural na gagamitin talaga ng kampo ni Kris Aquino ang kapangyarihan niya bilang kapatid ng presidente and having Ai Ai and Vice Ganda as her co-stars na sobrang lakas talaga sa tao para makakuha ng maraming sinehan.

Kung may delicadeza si Kris, hindi na sana siya sumasali sa ganitong festivals dahil kapatid niya ang pangulo.

Huwag na tayong magbulag-bulagan. Kung naipanalo nga niya si Dingdong Dantes as Best Actor last year, kaya niyang gawin ulit iyan ngayon.

Huwag na rin kayong magulat kung manalo siyang Best Actress.

Ha-hahaha! Hindi sana mangyayari ito kung hindi pumayag ang MMFF. Hasus… huwag nga ninyo kaming paikutin.

Sinasabi na nga namin na may palakasan na namang mangyayari.

Dayaan ba ang tawag dito?

Read more...