NAKASALUBONG namin si Barbie Forteza sa lobby ng GMA 7 after naming makapanayam sina Bea Binene at Derrick Monasterio sa presscon ng bagong Kapuso series na Hanggang Makita Kang Muli.
“Masaya po. Lahat kami busy at may trabaho,” sey ng kikay na si Barbie na ilang beses ding nakasama sa soap si Derrick at hindi nga ba’t sila ni Bea ang pinagsasabong sa bakuran ng Kapuso network.
Naikuwento namin sa kanya kung gaano ka-impressive ang project ng mga kaibigan niya at talagang “acting piece” ito for Bea.
“Wow! Happy talaga ako. Siguro naman po ay pinagdaanan ko na rin iyan at masaya lang talaga ako na busy kami at may trabahong lahat,” pag-uulit pa nito.
Well, tama nga naman dahil award-winning actress ng matatawag si Barbie na “in-na-in” sa primetime series nila ni Andre Paras na That’s My Amboy.
Maganda naman daw ang rating ng soap kung saan lutang na lutang ang kanyang pagkakikay at kuwelang-kuwela rin ang tandem nila ni Andre. In fact, may dapat daw abangan sa That’s My Amboy dahil ngayong magaling na si Lito (John Arcilla, playing as her father) ay hindi na kailangan pang mag-work ni Maru (Barbie) bilang PA ni Bryan (Andre).
Eh, umeeksena na rin ang karakter ni Kiko Estrada (Patrick) bilang manliligaw ni Maru, kaya’t magkakaroon na ng selosan ang mga eksena.