Sikat na aktres matindi ang topak pag problemado sa lovelife; apektado pati trabaho

BLIND ITEM WOMAN 0226MGA artistang sumpungin ang naging paksa isang gabi ng mga nagpipistang taga-showbiz. Sa dami na ng kanilang mga nakatrabahong personalidad ay kilalang-kilala na ng grupo ang mga artistang inaapuntahan ng topak kahit sa linya ng trabaho.

Maraming-marami sila, pasaporte nila sa pagiging sumpungin ang pagiging alagad nila ng sining, gasgas na gasgas na nga ang ganu’ng dahilan.

Porke artista, puwede nang maging topakin, ganu’n? Isang maganda at popular na aktres ang kanilang sinentruhan. Ibang klase raw ang babaeng ito kapag inaapuntahan ng topak, walang magawa ang production staff, dahil may katigasan ang ulo.

“Dumarating siya on time, hindi siya nahuhuli sa calltime, pero may kuwento tungkol du’n. Oo nga’t nasa tamang oras ang pagdating niya, e, hilig niya namang magkulong sa van niya, ayaw niyang bumaba, nandu’n lang siya!

“Nananakit na ang mga kamay ng production staff sa pagkatok, pero ayaw pa rin niyang bumaba, deadma lang siya kapag tinotopak siya. Nakakaloka ang babaeng ‘yun!

“Nasa set nga siya on time, pero ayaw niya namang bumaba, ano ‘yun? Nakakaloka siya!” simulang kuwento ng source sa umpukan.

Kapag may problema kuno sa kanyang lovelife ang aktres ay mas matindi ang kanyang sumpong, mahirap siyang katrabaho, dahil madilim ang kulay ng kanyang mundo.

“Kaya kapag lumabas na ang balitang problematic ang lovelife niya, e, nag-aapiran na ang production, heto na naman sila. Mahihirapan na naman sila sa shooting dahil may sumpong na naman ang kanilang bida.

“Hindi siya marunong maghiwalay ng private life niya sa professional. Dala-dala niya ‘yun kahit saan. ‘Yun din siguro ang reason kung bakit wala siyang tumatagal na relasyon.

“Bradly Guevarra, ipaliwanag mo nga ito? Sa English lang, ha, walang ibang lengguwahe! Ingles lang!” pagtatapos ng miron sa umpukan.

Read more...