MARAMI ang naantig sa espesyal na istoryang ibinahagi ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa nakaraang episode ng Rated K, tungkol sa 12-anyos na batang si Ashley na ipinanganak ng may rare skin cancer.
Patuloy si Ashley sa kayang laban sa kanser at tanging ang kanyang Lolang si Cleofe ang kaagapay nito dahil sinukuan na siya ng kanyang sariling magulang. Mayroon na ring bone marrow cancer si Ahsley at tuluyan nang nawala ang kanyang paningin sa isang mata.
Maligaya na si Ashley sa mga simpleng bagay at nangangarap siyang maging isang doctor upang magamot niya balang araw ang iba pang mga bata na mayroong ding karamdaman. Ayon sa misis ni Mar Roxas, kung anu-anong trabaho ang pinapasok ni Lola Cleofe upang matugunan ang mga pangangailangan ni Ashley, lalong lalo na ang kanyang mga gamot.
“Hindi natin alam kung tuluyang gagaling si Ashley ngunit maaari tayong magtulong-tulong upang makagawa ng maliliit na milgaro sa kanyang pang-araw araw na buhay,” sabi ni Korina.
Sa mga gustong magbigay ng tulong o donasyon para kina Ashley at sa kanyang Lola Cleofe, tumawag lamang kay Jannice Fortes sa 0905-2750220.