Facebook user idedemanda ng chief of staff ni Pacman?

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

MISMONG ang chief of staff ni Manny Pacquiao na si Jake Joson ang nagpatunay na malisyoso at walang basehan ang ipinost ng isang netizen sa Facebook kung saan makikita ang campaign car ni Pacman na naka-park sa harap ng isang mansion sa Quezon City.

Kasabay nito, naghain din ng reklamo si Joson laban sa FB user na si Lorraine Marie Badoy na nagpahiwatig na ang may-ari raw ng nasabing mansion sa nasabing exclusive village at pag-aari raw noon ng dating “mistress” ni Pacquiao.

Pero ang mismong business manager na ni Pacman na si Arnold Vegafria ang nagdenay tungkol dito.

Ayon dito, ang nasabing bahay sa Loyola Grand Villas ay hindi pag-aari ni Krista Ranillo na na-link noon kay Manny, kundi kay Joson. Pati raw ang campaign car na nasa litrato ay pag-aari rin ni Jake.

Bilang patunay, ipinost pa ni Jake sa kanyang Instagram account ang kanyang picture na katabi ng campaign car ni Pacman na may caption na: “No filter! No lies! Just a simple truth.”

Dagdag pa nito, “We can forgive, but we should give justice to all those people who maliciously make up stories to ruin our People’s Champ Manny Pacquiao’s name and my name.”

Hindi lang kami sure kung sasampahan ba ng kaukulang kaso ni Jake sa korte ang nasabing FB user.

Read more...