Melai hiyang-hiya kay Pokwang: Kung wala siya, wala sigurong mga ganitong mukha sa showbiz!

MELAI CANTIVEROS AT POKWANG

MELAI CANTIVEROS AT POKWANG

PINATUNAYAN nina Pokwang at Melai Cantiveros na wala silang “silent war” tulad ng pinalalabas ng kanilang bashers. Magkasama ngayon ang dalawa sa bagong Kapamilya serye na We Will Survive na magsisimula na sa darating na Lunes.

Ayon kay Melai, noon pa man ay idol na niya si Pokey kaya isang dream come true ang magkasama sila sa isang proyekto.

“Naku, guni-guni lang nila ‘yon (inggitan at dedmahan). Unang-una, idol ko si Ate Pokie. Siya ang nagsimula ng ganitong mukha. Kung wala kay Ate Pokie, wala kami rito. Sobra akong thankful kay Ate Pokie,” ani Melai sa presscon ng We Will Survive kamakailan.

Hirit pa ng Prinsesa ng Masa, “Nahihiya ako kapag may rivalry na isyu na ganyan, tapos inaaway pa si Ate Pokie. Ano ba, hindi ba kayo nahiya kay Ate Pokie? Kumbaga sa akin, ate talaga ang tingin ko kay Ate Pokie. Happy Yipee Yehey pa lang tapos Banana Split lagi talaga akong tinutulungan ni Ate Pokie sa mga outfit o makeup. So nakakahiya kapag inaaway siya.”

Sey naman ni Pokwang sa pang-iintriga sa kanila ni Melai, “Natawa na lang ako kasi nakita ko naman si Melai, napaka-genuine at napakabait na tao. At saka sabi ko, bakit pagpapatulan ‘yung mga ganyan (tsismis)? Iisang network tayo, magkakapamilya tayo, so dapat tulungan tayo. Kagaya ng paulit-ulit na sinasabi ni Mang Dolphy noong buhay pa siya, magtulungan tayong mga komedyante.”

At tulad ni Melai, excited na rin si Pokwang sa kanilang bagong serye sa ABS-CBN, “Matagal na pong may mga alok na project kasama si Melai kaya lang hindi kami nagtatagpo ng schedule kasi mayroon din kaming ginagawa. Noong malaman ko na magkasama kami, siyempre exciting ‘yon. Siyempre pagsamahin mo kami eh di mas bonggang maraming maibibigay na saya, hindi ba?”

Read more...