Toni Gonzaga bawal pa raw umamin sa pagbubuntis: May tamang panahon para diyan!
Nasulat din namin kamakailan na tatlong buwan nang buntis si Toni Gonzaga-Soriano base na rin sa kuwento ng aming source. Sa nakaraang Anak TV Awards kung saan tinanghal ng Hall of Famer ang TV host-actress ay natanong siya kung totoong buntis na pero hindi niya ito sinagot ng diretso.
Sabi ni Toni, “I think this is not the right moment and the right place to talk about it. Siguro may tamang panahon.” Ano ‘yun? Bakit ganu’n sagot ng Multi Media Star? Masyado bang kontrobersyal ang isyung buntis siya, e, hindi naman kataka-taka yun dahil may asawa naman siya?
Nakakaloka lang ang sagot ni Toni, kailan ba ang right time at saan ang right place para sumagot siya ng oo at hindi tungkol sa pagbubuntis niya. O, baka naman bawal pa siyang umamin dahil sa current endorsements niya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.