HI, Manang. Single po ako ngayon. Kaka-break lang namin ng ex ko. Tumagal din kami ng five years.
Manang binigyan ko siya ng second chance. Wala naman akong problema kung hindi ang bisyo niya.
Kasi kapag nakainom na siya ay nananakit na. Bastos na kausap. Kahit sa harap ng maraming tao binabastos niya ako. Yun lang naman ang hinihini ko sa kanya na kahit minsan ang hirap niyang intindihin. Ngayon po humihingi na naman siya ng chance, nagmamakaawa at umiiyak.
Mabait naman po talaga siya pag hindi lasing, yun lang po lagi pa ring naglalasing. Minsan hindi na nagpapaalam sa akin. Mahal ko po siya pero minsan nawawalan na ako ng gana dahil sa pag uugali niya.
Naguguluhan na ako manang, ano po ba dapat kong gawin?
Beauty, 22
Hello Beauty, sa ganang akin, kung mahal ka talaga ay ibibigay niya sa ‘yo ang hinihingi mo. Minsan nga kapag mahal talaga tayo, hindi na natin kailangang hingin at kusang ibibigay sa atin, hindi ba? Sabi mo ay nananakit pa kapag nakainom at nambabastos. Nakakabahala ito dahil hindi pa nga kayo kasal ay ganito na s’ya.
What more kapag committed ka na sa kanya at hindi basta basta makakawala? Trust me, most often than not, things get worse lalo na kapag kasal na kayo kase ibang dynamics na. Pag-isipan mong mabuti ito dahil future mo ang nakasalalay dito. Ready ka na bang mag-settle kung hindi na s’ya kailan man magbabago?
Matatangap mo ba s’ya ng buong-buo with all his flaws? Bata ka pa naman Beauty, give yourself a chance to meet better guys who do not have bad attitudes and habits. Hindi pa naman huli ang lahat. Sabi nga may reason kung bakit mas mataas ang kinalalagyan ng utak sa puso.