Daniel mas matindi pa sa bodyguard kung gwardyahan si Kathryn
Ang daming kinilig na KathNiel fans sa sweet moments nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang magkaroon ng paliga ng basketball sa Celebrity Sports Plaza na pinangunahan nila.
Mga crew yata ng Pangako Sa ‘Yo ang mga naglaro. Parang si Daniel ang may pakana ng sports event na sinuportahan naman ni Kathryn siyempre.
Naglaro din naman si Daniel. Tuwing makaka-shoot yata ang binata ay panay ang pa-charming nito kay Kathryn. Halatang kilig na kilig naman ang ilang fans na nakapanood ng basketball game.
Parang for real na ang relasyon nina Kathryn at Daniel. All throughout the game ay hindi sila mapaghiwalay. Parang bodyguard si DJ na laging nakabantay kay Kath. Palagi ring nakaakbay si Daniel kay Kathryn kapag nakaupo sila.
Noon namang awarding na, hawak-kamay sila palagi. Marami tuloy ang nagtatanong kung sila na ba talaga? Kung for real na ang kanilang relayson? Pansin ng marami, parang hindi na arte ang pagho-holding hands nina Kathryn at Daniel kahit na saang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

