Kim inokray ng nurse sa ospital: Ay tunay pala ilong mo?!

kim chiu

Matagal nang issue ang nose job kay Kim Chiu. Paulit-ulit na lang ang pang-iintriga na nagpaayos siya ng kanyang ilong. Just recently, to probably show proof na hindi siya nagparetoke ng kanyang nose ay nag-post si Kim ng photos sa kanyang Instagram na kanyang sugatang ilong with this caption: “Here it is…dont want to post this na sana pero para matigil na.. some people dont understand puberty and what make up can do (thanks to my makeup artists).

“Ayan na po, last 2014 I got into a car accident and my nose got hit sa bakal ng car, it was bleeding so hard na ayaw tumigil that i was so scared. kaya nagpacheck up ako and pina Xray. when i got the result, its kinda off kasi the nurse told me ’Ay maam kim tunay pala ilong mo?’ kinda off yung nurse but i just walk away.. #2014photo #justwannashare.”

Ayan, siguro naman ay matitigil na ang nagsasabing nagparetoke ng kanyang ilong si Kim.

Read more...