Jadine bibigyan agad ng bagong teleserye pagkatapos ng OTWOL

james reid

Naghahanda na ang maraming fans nina James Reid at Nadine Lustre sa magiging ending ng hitserye nila sa Primetime Bida ng ABS-CBN na On The Wings Of Love. Kumalat na kasi ang tsika na isa sa magiging eksena sa ending ay ang ‘di sila ang magkakatuluyan.

Pero syempre, hopia (hoping) pa rin ang JaDine fans na sila pa rin hanggang sa huling eksena sa OTWOL. Sayang naman kung sa simula ay pinakilig na sila ng mga karakter nina James at Nadine bilang sina Clark at Leah tapos hindi naman pala sila ang magkakatuluyan sa ending.

Mapapanood ang finale eposide ng serye sa Feb. 26. Kunsabagay, mangyari man na hindi happy ang ending ng OTWOL, ‘di dapat mag-worry ang JaDine fans. Kumpirmado na ang kasunod na show na gagawin nila sa Kapamilya network, and again, it will be produced by Dreamscape Entertainment headed by Deo T. Endrinal.

Magsisimula na raw silang mag-taping sa darating na July. Mula nang umere ang On The Wings Of Love noong Agosto, naging isang phenomenal hit ito na tinututukan gabi-gabi ng mga Pilipino sa iba’t ibang bansa.

Umani rin ng papuri ang teleserye mula sa fans at critics dahil ibinida nito ang ilang OFW issues na sinuri at sinaliksik ng mabuti. Dahil dito, nananatiling mataas ang ratings ng serye. Lagi rin itong bahagi ng most watched programs ng iWant TV, ang free online catch-up service ng ABS-CBN.

Sa samu’t saring tagumpay na nakamit ng serye sa loob ng anim na buwan, hindi rin pahuhuli ang lead stars nito na sina James at Nadine para mas makilala bilang hottest loveteam ng bansa. Sa katunayan, soldout at successful din ang first major concert nina James at Nadine na “JaDine Love” sa Araneta Coliseum.

Dahil sa napakaraming JaDine fans na gustong makapanood ng concert, magkakaroon ng world tour ang “JaDine Love” na handog ng TFC sa Marso. Magpapakilig sina James at Nadine sa Doha (Marso 18), Dubai (Marso 19), London (Marso 26), at Milan (Marso 27).

Huwag palampasin ang mga huling araw ng seryeng On The Wings Of Love nina James at Nadine, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN Primetime Bida.

LATEST STORIES
Read more...