Jasmine sasabak sa matinding aksyon sa ‘Panday’

richard gutierrez

Sasailalim si Jasmine Curtis sa matinding training para sa mga gagawin niyang action scenes sa TV remake ng Ang Panday na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Mapapanood na next week ang bagong fantasy series ng TV5 at sabi nga ni Jasmine, talagang kailangan niyang karirin ang mga maaaksyong eksenang ipagagawa sa kanya para makasabay sa galing ni Richard bilang bagong Panday.

“Apprehensive ako kapag action ang pinag-uusapan na show because ’di ko siya strength. Even in real life, exercising or working out does not come naturally to me,” sey ng dalaga sa isang panayam.

Isang malaking challenge sa dalaga ang serye kaya handa siyang gawin ang lahat para maipakita niya ang kanyang versatility as an actress. “So far, nagti-train ako kasi kailangan marunong ako ng konting self-defense and I think sword fighting, but I haven’t trained for that specifically just yet.

“I think this will require more stunts for me because yun yung binigay nila sa akin na role, na mas street-aware ako, kumbaga ako yung magtuturo sa kanya (Richard) how to fight a certain battle,” kuwento pa ni Jasmine.

Hirit pa ng sister ni Anne Curtis, “Everytime I would see him casually when we’re out we’re never awkward or anything we can hold a conversation. I’m sure naman were okay work-wise.”

Read more...