Korina kinilala ang lalaking pinarusahan ng kapre

korina sanchez

SIGURADONG kaabang-abang na naman ang episode ng Rated K ni Korina Sanchez-Roxas tonight na pinamagatang “Baka Naman…!” Ipakikita ni ate Koring na baka naman ang mga paborito nating putahe ay pwedeng sahugan ng mga hindi natin inakalang pwede sa mga paborito nating lutuin.

“Nakatikim na ba kayo ng sinigang sa gumamela, chilli cupcake, o crocodile burger?” ang tanong ng misis ni Mar Roxas sa mga manonood. May nakakakilabot na istorya din ang beteranang broadcast journalist tungkol sa isang lalaki sa Agusan na pinarusahan daw ng kapre at aalamin niya kung baka naman may pag-asa pa para sa batang si Ashley na may bone marrow cancer at di-pangkaraniwang sakit sa balat.

Sabay-sabay na tutukan ngayong gabi after Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN ang Rated K, na di matinag-tinag sa pagiging number one sa timeslot nito at ngayo’y finalist pa sa New York Festival 2016.

Read more...