Erap maagang binutata ni Chief Justice Puno

KATATAYO pa lamang ng pinatalsik na dating Pangulong Joseph Estrada, alyas Erap, at mandarambong, ayon sa desisyon ng Sandiganbayan, ay binutata na agad siya ni Chief Justice Reynato Puno. Sinabi ni Puno na hindi niya ineendorso ang pagtakbo ni Erap pagkapangulo sa Mayo 2010. Naglabasan sa mga pahayagan ang binayarang anunsiyo na kinakatigan ni Puno si Erap, at may kalakip na retrato pa ng punong mahistrado. Ayon kay Puno, hindi puwedeng sumali sa politika, at mas lalo sa damdamin ni Erap, ang Korte Suprema. Oo nga naman. Teka muna, nauulit na naman ba ang utuan? Hayan at nagpahayag na si Erap ng muling pagtakbo pagkapangulo. Maganda ang kalalabasan ng halalan, kung gayon. Parang pelikulang The Good, The Bad, and The Ugly. Kayo na lang ang bahala kung sinu-sino ang mga yan.

LITO BAUTISTA, Executive Editor-Bandera

BANDERA, 102309

Read more...