Born again na si Yeng Constantino: Hindi po ‘hayop’ ang tingin ko sa LGBT

Emotional si Yeng Constantino nang mag post sya ng isang video kung saan nagbigay rin sya ng kanyang opinyon tungkol sa mainit na isyu tungkol sa ginawang pagkumpara ni Manny Pacquiao saa mga bakla at tomboy sa mga hayop.
Sa video, mangiyak-ngiyak na nagbigay ng kanyang saloobin ang singer.
” Hello eveybody si Yeng Constantino po ito at nasa Palawan po kami ngayon para sa aming anniversary. Pasensya na po sa itsura ko no kasi kanina po iyak po ako ng iyak tungkol sa blog post gagawin ko.”
“Ayoko ko po talagang magsalita tungkol sa blogpost na ito at una sa lahat wala naman pong nagtatanong at kung may nafefeel man ako sa isyu I just wanna keep it to myself.
Pero it’s been two days since nakita ko po ung komento ni sir Manny Pacquiao sa pagkokomento nya tungkol sa pagkukumpara ng mga homosexual sa mga hayop. At si Tito Boy nakita ko ung koment nya, si Vice nakita ko rin, at marami pang video online. Nakita ko po na lumalagablab na ung isyu ayoko ng buhusan ng gasolina kungbaga,” pahayag ng singer.
Ayon kay Yeng meron umanong naghikayat sa kanilang mag-asawa na gayahin ang ginawa ni Manny, “at mag-take ng stand against homosexuality bilang Kristiyano”.
Dito na parang nagagalit at naluluha si Yeng.
“Sa totoo lang po hindi po ako natuwa.  Nagalit ako. Pakatotoo lang ako ha, nagalit ako. Kinokompose ko na ung reply ko dahil talagang gusto ko ng ratratin talaga ng malupit na reply ung person na un. Buti na lang. Pinigil ako ni Yan at nagdasal kami. When we prayed naiyak talaga ako. Sabi ko Lord ang sakit.”
“Para po sa mga di nakakaalam, Kristyano po ako pero may kapatid akong bading. Sandali lang ha. Siguro sa ibang tao madali pong mag komento ng ganoon lamang kasi wala kayong kapamilya na ganun. Sa amin po hindi kasi naramdaman po namin ung pakiramdam na nasaktan sila, na umiyak sila. Mula pagkabata hanggang ngayon.”
“And for someone na gusto akong i-encourage, to talk like that about my brother. hindi ko po kayang gawin un.” aniya.
Bago mag post ng video, tinawagan pa raw ni Yeng ang kapatid nya about sa isyu humingi sya ng tawad in behalf of all people na maraming masamang nasasabi.
“Ayoko na maniwala ka na ganun ang tingin sayo ng mundo, ng lipunan. Dahil hindi un totoo. Mismong akong kapatid mo hindi ganun ang tingin ko sayo.”
“Lahat ng supportang binibigay ko sayo kasi I believe in you and I’m proud of you.” dagdag na sabi nya.
Nagbigay rin sya ng mensahe sa mga Kristyano na hindi kailanman sya sasali sa pag kundena sa mga LGBT.
Hangang hanga din sya sa mga LGBT dahil marami syang mga kilalang mga talentado sa linya ng kanyang trabaho.
Sa pagtatapos ay humingi sya ng tawad sa buong LGBT community at sa lahat ng nasaktan sa isyu.
“Hindi po ako si Manny Pacquiao pero hindi po lahat ng Kristyano ganun ang tingin sa inyo. Marami lang po dyang tahimik dahil takot dahil baka sila naman ang tirahin nila ng kapwa nila Kristyano at maniwala po kayo na marami rami din po kami. Mahal po namin kayo. Sorry po in behalf of all those Christians na who are growing still in compassion at maging mas katulad sana kami ni Jesus Christ.”

Read more...