John Lloyd: Wala kaming relasyon ni Bea!

bea alonzo

“WALA kaming relasyon ni Bea (Alonzo)!” Ito ang ipinagdiinan ni John Lloyd Cruz sa gitna ng isyu ng break-up nila ni Angelica Panganiban.  Sa panayam ng ABS-CBN, natawa lang si John Lloyd nang tanungin siya kung totoong girlfriend na niya ang kanyang leading lady.

“Hindi po. Magkaibigan po kami. Wala pong (relasyon),” ang maikling tugon ng box-office actor.
Kung matatandaan, may mga lumabas na balita na ilang beses nang nakitang magka-date sina Bea at Lloydie kasabay ng paglabas ng chika na hiwalay na sila ni Angelica.

Kumalat ang nasabing balita matapos ding umamin sina Bea at Zanjoe Marudo na hiwalay na sila.

Read more...