Angel umuwi agad sa Pinas para sa b-day ng ama

angel locsin

UMUWI na ng Pilipinas si Angel Locsin noong Miyerkules ng hatinggabi para sa surprise party para sa 89th birthday ng kanyang daddy.

Naikuwento ito sa amin kamakailan ng taga-ABS-CBN na isang araw pagkatapos ng procedure ni Angel ay uuwi siya ng bansa para sa kaarawan ng pinakamamahal na ama at babalik ulit ng Singapore para sa iba pang check-up.

Nakitang naka neck brace at naka-wheel chair si Angel nang makita siya sa airport noong Miyerkules ng hatinggabi kasama ang staff at direktor ng Star Cinema na pawang mga kaibigan ng aktres.

Nag-post pa si Angel ng mensahe sa kanyang Instagram ng, “Won’t miss my daddy’s birthday tom (Pebrero 16) on our way home!”

At nag-post din ang aktres habang nasa sasakyan na sila ng daddy at kapatid ng, “Birthday salubong ni daddy 🙂 literal. sinalubong nya ako sa birthday nya! happy birthday father dear!”

Kitang-kita sa mga litratong naka-post sa IG ang kaligayahan ng daddy ni Angel maski na nakapikit ito at maging ang kapatid ng aktres ay hindi rin naitago ang tuwa sa pag-uwi ng dalaga.

Kaarawan din ni Anne Curtis kahapon (Peb. 17) at binati rin siya ni Angel sa IG, “Happy birthday to the beautiful, smart, sexy, talented, kind (eh di ikaw na!) @annecurtissmith labyu Anita!”

Read more...