PILIT na ipapagpag ng RC Cola-Army ang paninibago sa matagal na pagkawala sa liga sa pagmartsa nito muli sa Philippine Superliga (PSL) sa pauna nito na 2016 PSL Invitational women’s volleyball tournament simula Pebrero 18 sa The Arena sa San Juan City.
“It’s now an entirely different ballgame,” sabi lamang ni RC Cola-Army coach Emilio “Kungfu” Reyes.
Ang Lady Troopers, na iniuwi ang tatlong sunod na korona sa pagsisimula ng liga bago nawala sa nakalipas na tatlong sunod na kumperensiya, ay inaasahang masasabak sa matinding pagsubok sa pagsagupa nito sa limang iba pang malalakas na koponan na binubuo ng mas matatangkad, mas bata at mas agresibong manlalaro.
“Yes, we dominated the league, but that was three years ago. A lot of things already happened, a lot of young players got stronger. We’re not really sure if we can still win the way we used to be,” sabi pa ni Reyes.
Itinaguri ni Reyes na tila sila mga sundalo na “walking wounded” dahil ang kanilang premyadong setter na 39-anyos na si Tina Salak ay wala sa kondisyon habang ang ibang beteranong spikers tulad nina 37-anyos Michelle Carolino, 32-anyos si Mary Jean Balse-Pabayo at 34-anyos na si Joanne Bunag ay unti-unti nang bumababa ang laro.
Optimistiko lamang si Reyes na magbubukas naman ito ng landas para sa iba ng manlalaro upang magpakita ng husay tulad nina Jovelyn Gonzaga, Honey Royse Tubino, Tin Agno at Rachel Anne Daquis na matatandaan na namuno sa Petron upang iuwi ang korona ng All-Filipino Cup nakaraang taon.
“Tina’s not in hundred percent. Her knees are already bothering her,” sabi ni Reyes, na coach din sa University of Santo Tomas sa UAAP.
“But it’s okay. We have a young setter in (Jane) Gonzales. Tina is helping her, giving her all the wisdoms she acquired from her long playing career.”