May forever, sabi ng 71% Pinoy na sinerbey ng SWS
Leifbilly Begas - Bandera February 11, 2016 - 07:23 PM
NANINIWALA ang 71 porsyento ng mga Pilipino na mayroong forever, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Sa survey na isinagawa noong Disyembre 5-8, sinabi ng 16 porsyento na walang forever.
Mas marami ang nagsabi na may forever sa mga taong kasal kumpara sa mga live-in lamang at single.
Ang 67 porsyento naman ay naniniwala sa long distance relationship samantalang ang 21 porsyento ang hindi.
Tatlo sa bawat pitong (43 porsyento) naniniwala sa long distance relationship naman ang nagsabi na naranasan na nila ito.
Sinabi naman ng 51 porsyento na masaya ang kanilang love life samantalang 38 porsyento ang nagsabi na sana ay mas masaya pa. Ang 11 porsyento naman ay nagsabi na wala silang love life.
Ang mga respondent na kasal ay may malaking paniniwala sa forever kumpara sa mga live-in at single.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending