PALAGI akong nagbabasa ng inyong pahayagan. Next year ay 30 years in service na ako sa aking trabaho kaya automatic ang aking retirement. Ang problema ko ay hindi ko pa nabe-verify ang aking SSS kung regular ang paghuhulog ng aming company at kung ilan na po ang aking contribution.
Ask ko rin sana kung ano ang dapat kung gawin after my retirement dahil gusto ko sanang magtrabaho kahit part time lamang o magtayo ng kahit malit na business.
Ano po ba ang dapat kong gawin kung ipagpapatuloy ang paghuhulog sa SSS? Ano ang maipapayo ninyo na dapat kung ihulog para kahit paaano ay malaki-laki pa rin ang makuha ko pagdating ng aking pension age. Eto po ang aking SSS number 03-8…
Maribel Tamano
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Tamano. Base sa aming data, lumalabas na sa 2024 ay ikaw ay retireablena o maaaring makakuha ng iyong pension.
Lumalabas din na mayroon ka ng 275 months na contributions na kwalipikado naman para makatanggap ng pension sakaling dumating na ang retirement age.
Pinapayuhan din si Ms. Tamano na mas mabuting ipagpatuloy pa ang pagbabayad ng SSS sa pamamagitan ng voluntary contributions at mas mabuting huwag bumaba sa P1,650 kada buwan ang iyong monthly contribution para kahit paano ay makakuha ng malaki-laking pension.
Sakali naman na magdesisyon na magtayo ng business sa pamamagitan ng single proprietorship o corporation ay iparehistro ito sa SSS at mag fill up ng SSS form R-1 at dalhin ang mga kinakailangang requirements gaya ng business permit o SEC registration
Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan Maraming Salamat Ms. Lilibeth Suralvo Senior Officer, Media Affairs Department Social Security System May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
